Mar 14, 2011

Dear Climb Diary: Was it Mahogany or Strawberry Blonde?

"Wala ng slots para sa guests, members only na lang."

"Potaena", isip isip ko lang.

Ganyan ako tinanggihan ng tropa kong si Pik nung nagtangka akong sumabit sa climb nila sa Mt. Makiling last August 2009.

Several weeks before that, ako na ang excited. Wala pa man akong confirmation ay pinagkalat ko na kina Jen at Ayuth na aakyat ako at sasama ako kina Pik sa Makiling. At hinikayat ko din yung dalawa na sumama.

One week before ng climb nung nareceive ko yung text ni Pik, kasi nagcoconfirm na ako. Ubos na raw ang slots para sa guests.

May budget na ako nun na nakaset aside for the climb. Wala akong nagawa kundi magmukmok at bumili ng hair color.

At nagkulay ako ng buhok the same day na tinatahak nila ang daan patungo sa kaibuturan ni Mariang Makiling.

No comments:

Post a Comment