this is the life |
SIERRA MADRE EXPLORATION ATTEMPT #1
April 30-May 3, 2009
Original Plan: Mt. Balagbag- Sitio Inuman- Mt. Oriod
Result: Mt. Balagbag – Ipo River Exploration
Participants: Imelda Lim (Bundokaholics Anonymous), Hernan Bernaldez (Kawangis), Jose Jeffrey Mazaredo (MtalkMC)
DAY 0 (Thursday, April 30, 2009)
2000 ETA INL at Mcdo Araneta Center
2030 ETA JJM at Mcdo Araneta Center; Jep will get things from Cubao home
2100 ETA JJM with backpack and stuff; ETD for Tungko
2222 ETA Tungko Jollibee; rest and register at Brgy Hall in terminal; secure transport to Licao Licao jumpoff (P450)
2300 ETD for Licao Licao (Veterans) terminal
2345 ETA Veterans; prayer, arrange things; Start trek
After katakot takot na texting at planning, finally eto na at matutupad na ung matagal ko ng
pinakahihintay. Together with the recon team members Hernan Bernaldez (“Ems anung climb mo jan at magkanu budget”) and Jose Jeffrey Mazaredo (“ewan ko ba bakit ako pumayag sa climb na to”), we braved the night in trekking up to the Mt. Balagbag summit camp as out first destination. Kabado ako dito kasi as we all know, this is an NPA infested area. Dun pa lang sa Brgy Hall e mejo tinatakot na kme, although iniwan namin ung contact details namin, hindi ito assurance na marerescue kami on time pag nagkataon. Earlier pala, naggrocery ako at naubos ung P1700 na dala ko, marahil siguro sa binili kong contact lens. Nagtungo ako sa Cubao after kong mamili sa Robinsons Pioneer. From Cubao sabay kami ni Sir Jep na mejo COD (cause of delay) dahil sa work nya na pinatapon cia sa Laguna, si Sir Enan nauna na sa Tungko kaya cia ang naatasang magarkila ng sasakyan pa Licao Licao. Me nakuha ciang jeep na maghahatid samin sa Veterans (jumpoff ng Balagbag traditional trail). Si Sir Enan, dun na lang nalaman kung gaano kadelikado yung climb namin (tsuri naman!), and mejo kinabahan daw cia sa byahe namin dahil sobrang liblib at sobrang dilim ng paligid. Pagbaba sa jumpoff, dasal muna at inayos ang mga gamit. Ako dala ko ang 30L kong Deuter Speedlite na puno ng damit, first aid at kung anu pang abubot, yung tent ni Liz na Apexus tadpole (na sinamahan ko ung yellow na lagayan ng 2 century tuna cans, 3 butane and ung kovea stove na nahiram ko kung saan, na pinatong ko lang sa likod ng bag ko) and dalawang plastic (3L water, gulays, 1 gatorade, 1 cobra,) na halos hindi na ako makalakad sa bigat ng dala ko (bibili na nga ako ng mas malaking bag). Napakalapad ng trail, na paikot ikot. Kung iisipin, napakainit nito pag me araw. Buti na lang at gabi kami nagpasyang umakyat.
DAY 1 (Friday, May 1, 2009)
0030 Long rest @ one of the concrete house with no resident; cigar break
0110 Resume trek
0130 Long rest @ trail- on the part with high steps
0230 Resume trek
0310 Long rest @ view deck; explore the area
0405 Resume trek to summit
0428 ETA Mt. Balagbag summit; set camp
0700 Lights off
1030 Wakeup call; cook lunch
1200 Lunch
1345 Break camp
1545 Start trek to nowhere
1600 Rest @ Kuya Lito’s house
1615 Resume trek; this time to Ipo Falls; northeastward
1645 Long rest @ “Our Mansion”
1715 Resume trek westward; took the kaingin trails; got lost, backtrailed
2100 ETA “Our Mansion”, cooked dinner
2145 Dinner
2230 Lights off
Habang naglalakad kmi, hindi namin mapigilan na mafeel na maraming matang sumusunod samin. Kahit napakatahimik ng paligid, ito’y nakabibingi. Nagpahinga kami sa isang mistulang abandonadong gusali, kanya kanyang pwesto. Me nanigarilyo, me nakiramdam sa paligid, at me nagtetext ke mahal. Aysus! Nung mejo lumamig na, lakad na kami ulit. Pahinto hinto kami sa daan dahil sa bigat ng dalahin, si Sir Enan naawa na sakin at kinuha ung dalawang plastic na buhat ko at pinalitan ng isang plastic ng saging. Hang gaan! Habang nagpapahinga, kwentuhan kami ni Sir Jepjep about bundok experiences while making papak the saging, habang si Sir Enan na wala pang tulog eh humiga na sa trail at ku-mota. Pag resume trek, lagi ko na lang sinasabi na… eto na malapit na tayo, to their disappointment dahil parang lalong lumalayo. Pagdating sa view deck, dun sa may nagsasangang trail kung saan ung pakaliwa ay pasummit at ung pakanan ay daan ng mga nangangahoy, at balita ko ay papuntang Sitio Inuman at Maranat, pahinga ulit kami at inexplore namin ni Sir Jep ung area. Eto na, nung paalis na kme, me pumitik daw sa braso ni Sir Jep at pagtingin nya wala na ung relo nya. Hinanap namin yun ng almost 15 minutes bago nagpasyang magpatuloy sa paglalakad papuntang summit. Hindi sadyang magkatakutan ngunit hindi iyon naiwasan. Lakad takbo kami dahil na rin sa pagod at excitement na makaset up ng tent. Kabado ako kasi ang tanda ko ay malapit na lang ang summit pero parang ang haba na ng nilakad namin, napadaan pa kami sa matalahib na parte na hindi ko natandaang dinaanan ko nung una kong punta dito. Nung malapit na sa summit at ako ang nauuna sa trail, may natanaw akong puting bagay sa harap, mistulang malapad na tao na nakatayo at naghihintay. Nung una inakala kong may ibang campers na tumatanaw sa amin pero parang hindi gumagalaw ung istrukturang minamasdan ko. Mejo kabado, pinauna ko si Sir Enan at hindi ko sinabi ung nakita ko. Umasa akong cogon/talahib lang un, pagdaan ko sa lugar na yaon ay nakita kong bakante ang espasyo at walang malapit na talahib dito. Tuloy lang sa lakad at hindi ko muna binanggit ito sa kanila. Nung makarating na ng campsite at nagpipitch na kami ng tent saka nagkwentuhan ng bagay bagay. Si Sir Jep ay siguradong mahigpit ang kapit ng kanyang relo sa braso, at sigurado din cia sa naramdamang pitik sa braso/kamay. Ako ay sigurado sa nakita kong puting bagay. Maliwanag na ng kami ay nakatulog. Tig iisa kaming tent, yung akin ay tadpole na pangdalawahan, single pole na pangdalawahan ang ke Sir Enan, at dome type na pang apatan ang ke Sir Jep. Sayang sana nag tent planning din kami para hindi sayang sa bigat.
Pagkagising at dali dali kaming nagluto ng agahan/tanghalian. Ako ang naatasang magluto ng tanghalian, at dahil hindi ako kumakain ng karne ay napagpasyahan kong magluto ng KARE-KARENG GULAY. Me dala din akong bagoong in can kaya solb, yun nga lang walang peanut butter na nabili si Sir Enan. Matumal kumain si Sir Jep, siguro nahiya lang sabihin na hindi masarap ung luto ko hehehe. Habang kumakain, me mga dumating na grupong nagmomotorcross. Kakatakot kala ko sasagasaan kami. Hehehe. Pagkatapos kumain ay tinanaw muna namin ang paligid, ang mga kabundukan, at inalam ko kung direksyon ng Mt. Oriod base sa lakad ng araw. Napagalaman ko na ito ay nasa Hilagang-silangan banda, sakto sa GPS map galing sa google earth na pinadala sakin ni Sir Jep, some nights ago. Wala kasing me dalang compass sa amin hehehe. Nag-igib ng tubig sila Sir Jep sa water source, at napagalamang yung pinagtanungan nila ay may anak na naninirahan sa Mt. Oriod. Napagalaman din na madadaanan daw ang Ipo Falls kaya hindi na kelangang magdala ng maraming tubig, itinapon ang ibang inigib, at napagpasyahang magkakampo sa Ipo Falls for the night. Imbes na bumalik sa viewdeck kung saan dun ang daraanan papuntang Sitio Inuman base sa original IT, naglakad kame pahilaga patungo sa direksyon ng abot-tanaw na Ipo Falls. Ngunit subalit sa daan na aming tinatahak, parang pakanluran kami at palayo ng palayo sa tinutumbok na Ipo Falls. Napakaraming kaingin trails na aming tinahak, at napakahirap maghanap ng daan sa dilim. Nagpahinga kami at naupo, nagpiktyur. Akalain mo ba namang me nakuhang Orb sa picture ni Sir Enan! Nagkatakutan, tumayo at lumakad pababa. Hindi sigurado sa tinatahak, nawawala, naliligaw ng landas at nilalagnat si Sir Jep kaya bilang team leader ng grupo, nagpasya na akong iabort ang pagbaba at mag e-camp sa “Our Mansion”, isang abandonadong kubo na open area, at spacious enough para sa aming tatlo. Backtrail kami paakyat, at aming narating ang mansion. Although hindi kasya ang mga tent sa loob dahil sa malaking mesa sa gitna, na ginawa din naming tulugan. Nagluto si Sir Jep ng Talbos at Bagoong, Adobong Kangkong, at nagbukas kami ng Century Tuna. Iniligpit ang mga gamit, at tabi-tabi kaming natulog sa gitna ng lamesa, siksikan at mistulang mga ulam sa hapag. Me Lumpiang Barbie, me relyenong bangus sa aluminum foil (emergency blanket), at meron ding inipit (middleman), na mejo maingay pag tulog. Hehehe.
DAY 2 (Saturday, May 2, 2009)
0130 Wokeup; area check
0200 Midnight snack
0230 Lights off again
0730 Wakeup call; cooked breakfast
0800 Breakfast
0900 Breakcamp
1215 Start trek to the locals
1225 Arrived at school house, rest
1300 Resume trek down through “masukal” na trail, westward, backtrail
1407 ETA school house, cook lunch
1500 Lunch
1600 Resume trek to a nearby house; rest and talk to locals
1630 Resume trek downward, decided to check Galas falls
1645 ETA Kuya Lito’s house, coffee break, ask for directions
1710 ETD downward to Galas Falls
1740 Got lost along the way, asked for directions; rest @ local store
1800 Resume trek; stopped at a nearby house and asked again for directions
1830 Resume trek forward, west heading north; passed by a small river, headed to cogonal area; rest stop to decide; back trail decided to stay and camp in front of local store
1900 ETA local store; set camp; cook dinner
2000 Dinner and socials
Madaling araw naalimpungatan ako, marahil ay naninibago sa set up ng pagtulog at sa kawalan ng seguridad ng aming kampo. Nagdedeliryo ata ako ng mapansin kong me ilaw sa likod ng buwan na hugis ekis. Pilit na ginigising si Sir Enan na katabi ko, na hindi maalimpungatan. Tinawag ang atensyon ni Sir Jep, na mejo tulog na rin. Nagpasyang matulog na lang ulit, ngunit pagising-gising pa rin. Tumawag ng aking pansin ang butas sa dingding na kahoy, na akala ko’y wala pa bago ako matulog. Sabi nila ay nandun na yun nung hapon pa lang. Napakalakas ng hangin, napakaingay ng yero at napakaingay din ng aking kumot. Hindi ako makatulog. Hindi rin ata sila nakatulog. Nakikiramdam na lang kami sa paligid. Ginutom ako kaya kumain ako ng kanin at adobong talong bago nkatulog.
Naramdaman ko na lang ang init ng araw. Umaga na pala. Dali daling bangon galing sa lamesa, kung saan natulog duon din nagluto ng agahan, duon din kumain. Nagbukas na lang ng sardinas, at inulam ung niluto nung gabi. Nagprepare din ng coleslaw si Sir Jep. Panalo! Nagpunta sa nearest resident si Enan, me dirty business. Nagtanung din ng direksyon. So go kami westward na naman, napunta sa school house na walang tao. Me overflowing water sa likuran, kaya ako naman ang me dirty business, before that nilinis ko muna ung inidoro bilang public service. After kumuha ng tubig, inikot namin ung maliit na palaisdaan, at nagstart bumaba. Dito wala ng kaingin trails, pero sobrang sukal ng daan at ang talas ng talahib. Wala pa naman akong arm guard. Me part na matubig, because of the dead river sa taas. Dun me nakita akong patay na daga, na ang tingin ko ay buntot na lang natira. Naglaro ang imahinasyon, naisip kong nilulon ito ng gahiganteng ahas. Lakad takbo ako sa part na yun. Dun ko rin narealize na pasukal yung daan, at palayo ng palayo sa north. Pinahinto ko na yung team, at kinuwestyon kung saan ba talaga kami patungo. Nagscout si Sir Enan ng daan, iniwan ang gamit, sumama si Sir Jep. Habang ako ay takot na naiwan sa daan, lingon sa kaliwa at sa kanan. May daan daw ngunit masukal talaga, at hindi nila matanaw ung ilog. So napagpasyahan na backtrail na naman papuntang school house. Pauwi, nakita ko yung dalawang malaking butas na bilog sa lupa, na nagpatibay ng aking suspetsa na me malaking ahas sa paligid. Make that two big snakes.
Pagdating sa school house, luto muna ng crab soup with scrambled eggs. Pamawi ng gutom. Tapos nilabas ko yung toge na igigisa ko sana, na mejo maasim na yung amoy. Npagkasunduang yung last Century Tuna yung iluto for lunch. Agawan pa kami ni Sir Enan sa pagluluto, mukhang nagprakpraktis ito ah. Hehehe. Matapos mairaos ang tanghalian, pahinga ng konti at empake na naman. Tuloy akyat dun sa makeshift na hagdan, nakarating dun sa house na nagsponsor sa dirty business ni Enan. Mga bata ang aming inabutan. Nasa TUngko daw ang mga parents. Nakipahinga, at nameet si Kuya Joey ang kaingero. Napagtanung namin kung san ung Falls, sabi malapit na lang daw sa kanila. Hesitant ako na tumuloy pa kami sa Ipo Falls since kulang na sa oras, kaya nagpasya na sa Galas Falls na lang. Nagpaalam kami at tumuloy patungo kina Kuya Lito naman. Nagkape, at nakipagkwentuhan ng konti tungkol sa mga “taga itaas” bago kami nagtuloy pababa. Diretso lang kami, kumpiyansa akong kabisado at tanda ko ang daan. Nung mejo nalalayo na ako at parang heading southward imbes na west, nagtry ako magtrailblaze pakanan. Napunta ako sa isang taniman, at nakapagtanung ako sa tao doon. Pinapili ako kung daan pabalik ng Karahume or papuntang falls kami. Sinunod namin yung papuntang falls. Nakarating kami sa isang tindahan, tambay saglit. Dun ako napagisip na baka Kaytitinga Falls ang ibig nilang sabihin at hindi yung Galas. Base sa pagtatanung, ganun na nga. Nawawala pa rin pala kami. Nagtanung pa kami ni Sir Jep sa ibang residente, naiwan si Sir Enan sa tindahan. Base sa obserbasyon ni Sir Jep, mistulang nakikipagtalo daw ako sa mga taga roon, na halos hilahin na nya ako paalis. Marahil dulot na rin ng sobrang stress at frustration ko sa mga pangyayari. Nagpasya kaming balikan yung una naming napagtanungan na bahay, at dun napagalaman na isa palang Guardian yung kausap namin. Ang Guardian, ayon ke Sir Enan, ay isang lokal na residente na nagmamatyag in behalf of the military. Napagalaman din namin na me detachment sa baba sa may Karahume. Mejo hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya kaya “oo” lang ang sagot ko palagi, at hindi ako makapaghintay na maituloy ang aming paglalakbay. Mapilit silang duon na namin palipasin ang gabi sa kanilang hardin, malamang ay kabado rin sila para sa aming seguridad. Ngunit tumanggi ako at sinabing kaya namin maglakad ng gabi. Sa pagpapatuloy namin, pumupusta ako na ligaw pa rin kami. Sa kawayanan na aming nadaanan, dalawang beses na me ibon na dumaan sa mukha ko, sa parehong lokasyon, na lalong nagpakaba sa akin. Pag dating namin sa cogonal, mejo masukal na naman ang daan, at me bakod sa gilid. Ako ang nauna, at pagapak ko mejo basa ang daan na mistulang swamp na natabunan ng damo. Backtrail na naman, nagpahinga sa cogon, nagpulong at nagdesisyon na babalik sa tindahan para dun magpalipas ng gabi. Pagdating sa tindahan, nagpaalam na duon kami magkakampo, nagtayo ng tent si Sir Jep at nagkasundo na duon na lang kaming tatlo matutulog. Nagluto ng hapunan si Sir Jep habang nakatulala pa rin ako at naguubos ng sigarilyo. Tuyo, noodles at sardinas ata yung ulam namin. Sabi ko hindi ako gutom pero as usual ako na naman yata ung nagtaob ng kaldero. Nagbihis ako at nagsimula na kami ng socials. Generoso at orange juice ang inum namin. Stressed ako sa topic, kasi lovelife ng me lovelife eh. Nakaubos ata ako ng isang paketeng sigarilyo. Tinulugan na ako ni Sir Jep at Sir Enan, konting muni muni pa at ako naman ang natulog.
DAY 3 (Sunday, May 3, 2009)
0200 Lights off
0800 Wakeup call; breakfast
0900 Breakcamp
1030 Resume trek to Galas
1100 Arrival @ trail down to Galas, take steep descent at around 100mtrs of 75-80degrees of inclination
1130 ETA Galas
1200 Resume trek to river
1230 Start river trek
1300 ETA trail up to mountain (trail going home), resume trek to river proper
0130 ETA lunch site (IPO river?); take a dip at the river; cook lunch
1530 Resume river trek back to the trail up to mountain top/ridge
1600 ETA trail from river up to the mountain top, resume trek upwards (200-300mtrs steep ascent around 60-70degrees inclination)
1700 ETA merging trail on the mountain top/ridge; rest
1710 Resume trek, search for the trail down to Karahume; backtrail
1725 On the way down to Karahume on the right track
1800 ETA Karahume proper; rest and procure transport
1810 ETD for Tungko via Tricycle (P200)
1840 ETA Tungko
0730 ETD to Manila aboard ordinary bus to Baclaran. Enan alighted on Philcoa, Jeff on Cubao
0915 ETA Guadalupe Tulay
Gaya ng dati balot na naman ako ng aluminum, pero this time hindi na cia maingay. Nagising na lang ako na nagluluto na si Sir Jep, ginising ko rin si Sir Enan, at bumangon na kami. Lugaw, sinangag at tuyo – panalo talaga si Sir Jep pede na magasawa! Breakcamp, nanlamang si Sir Enan naligo na sa banyo ng tindahan at parang nanigurado kasi walang tiwala na makikita namin yung falls. Dun kami dumaan sa daan paKarahume, at ilang metro lang at natandaan ko na yung daan na nagsasanga, yung rotary trail pababa ng Karahume, at yung dadaan ng pa Galas. Lakad takbo kami sa kakahuyan, masukal ang daan as usual. Dun namin naabutan ang isa pang grupo, and Sinag Mountaineers na nag all girls climb sa Mt. Balagbag. Hindi muna sila bumaba, at hinihintay nila yung guide nila na nagtingin kung malakas ang tubig sa Galas Falls. Bumaba kami sa ubod ng tarik na daan, ciempre ako dahan dahan at occasionally na umuupo, hopeful despite the scorching heat of the sun. Mahirap magkasalubungan dito dahil sobrang kitid at tarik nung trail.
Pagdating sa maliit na kubo kung saan nagpapahinga sina Sir Enan, napagdesisyunan na pupunta na lang sa mas malaking falls/ilog. Lakad sila, nasa hulihan ako. Parang trailblaze kami, dahil sa gilid ng bundok ang daan, at gaya ng naunang trail, mejo makitid cia at halos isang paa lang ang kasya. Ang hirap manimbang lalo’t mabigat ang dala. Nawala ako, at iba ang aking dinaanan. Dahil dito, napilitan akong bumaba sa trail ng landslide. Mejo carry pa naman kahit nagkakandandulas ako sa mga naaapakan kong unstable objects like patay na sanga etc. Pagdating ko sa pinaghihintayan nila Sir Jep, umpisa na ng river trek. Talon talon sa mga bato, ingat na hindi mabasa. Me nagguide pala sa amin na taga Galas, ihahatid lang daw kami. Pagdating sa may trail after ng river trek, nagpaalam na yung guide at bumalik na sa Galas. Kami naman ay nagpatuloy sa paglalakad. Mejo matarik at madulas sa kawayanan. Nauna si Sir Jep, at nakita nyang mukhang dead end na ang daan. Nagpasya ang grupo na bumalik na lang sa mini river, at dun maglunch bago bumalik ng Galas, paakyat at pauwi sa Karahume. Habang pabalik ako, nakita ako nung nagguide sa amin, na kasalukuyang nasa dapit bundok. Bumaba cia, tumawid, at tinuro ang daan. Sinabihan ko sina Sir Jep, at hinintay namin si Sir Enan. Pinauna ko sila, at sinamahan ako nung batang guide, na napagalaman naming Sherwin ang pangalan.
Habang nasa daan, naikwento ni Sherwin na ulila cia sa ina, at sa kamaganak lang cia nakatira. Nambubugbog daw ang tatay nya. Good thing at pang 10 na cia sa magkakapatid, at nagaaral cia sa ikaanim na baitang kasabay ng bunso nila. Disisyete na cia. Nagsuggest si Sir Enan na ipabuhat ang bag ko for me to gain balance, marahil matarik ung trail. Pagkakita ko, hindi lang matarik, parang 2 meter wall ata cia na walang makakapitan. Ayun, pinabuhat ko ung bag ko, at kapit tuko sa kung anu mang makakapitan. Advise nila patalikod bumaba, ngunit sanay akong nakaharap kya nagpilit ako kahit mejo delikado. Pagbaba, tuloy river trek na naman na me panakanakang bamboo trails sa gilid. Sinuweep ako ni Sir Enan, nagpaiwan cia sa likod ko. Nauna lang ako ng konti, nakatapak ng patay na sanga, bumaliktad at nagtumbling ako. Naabutan ako ni Sir Enan na nakakalingkis ung dalawa kong binti sa torso habang ung ulo ko eh unang nahuhulog padausdos pababa, at yung dalawa kong kamay ay naghahanap ng makakapitan. Mejo marami namang sasabitang kahoy pero ayoko rin talaga mahulog hehe.
Nung naabutan namin sila Sir Jep, tinuro samin yung daan na aakyatin namin pauwi, nagpaiwan ako dun para magpahinga. Nakita ko yung violet Tshirt ni Sir Jep, kala ko iniwan as trail sign. Hindi ko pinulot. Diretso lang ako sa river trek, nung matanaw ko ang mejo me kalaliman at malawak na tubigan. Eto na siguro. Nakita ko rin si Sherwin na sumasalubong sa akin. Mejo malayo pa raw ng konti. Kumanan kami, tumawid ako through rock climbing, parang gaya nung mga rocks sa Kaytitinga Falls. Tapos rock hopping naman, at ang hindi maiiwasang pagkabasa ng paa pag kinailangang lumusong. Nagtanung din si Sherwin about laban ni Pacquiao, hinahabol nya ata. Kawawa naman, inabala pa namin. Palalim ng palalim, at palakas ng palakas ang agos. Mejo natuwa naman ako at me konsolasyon kami. Nakita ko sila Enan na nakatambay. Takbo ako, excited sa tubig. Hubad mejas, lublob ng konti. Tapos nagluto na ng lunch with Sir Jep. Hindi nyo talaga ako mapagsasaing hehe. Tinuruan din akong gumamit ng stove ni Sir Jep. Luto si Sir Jep ng pancit canton pamawi ng gutom, share kaming apat including Sherwin. Niyaya namin cia for lunch, kaso tumanggi cia. Nakita atang hindi masarap ulam namin hehehe, uuwi na lang daw cia kasi hinihintay na raw cia ng pinsan nya.
We cooked eggplant, scrambled egg, corned beef, at nagbukas ng sardinas ulit. Nilalagnat daw si Sir Jep, lakas nito sa drugs naka apat na biogesic ata. Ako uminom din ng isa pagkagising ko, hindi malunok kaya nginuya ko na lang. Nagpakulo sila ng tubig for trail water, hindi na ako nagrefill. Natulog din ako. Afterwards,ligpit gamit at backtrail ulit. Hinintay nila ako sa paakyat, then yun start na kmi ng ascent ulit. Akala ko maikling akyat lang, at hindi matarik, kabaligtaran pala. Sobrang malamok, hingal hingal kami. Napayosi ako sa trail. Marami kaming nadaanang kaingin, yung isa sobrang nakakalula kasi kalahating paa mo lang ang kasya at mejo bumibigay ung lupa. Although hindi cia direct drop, rolling ung hulog mo pero nakakatakot kasi maraming tusok ng kawayan. Nakakalula nga raw, sabi din ni Sir Enan. Hingal kabayo kaming lahat sa trail, lagi akong “am I there yet” sa isip ko. Nakita kong kalahi ni Jollibee (me stripes) yung lamok na pumapak sakin kaya nagdecide akong magpapablood test pauwi. Pagdating sa tuktok ng bundok/ridge, diretso kami at naghanap ng daan. Nauna na naman ako, ligaw na naman. Narealize ko to nung parang palayo na kami sa Karahume side. Backtrail na naman, me nakita kaming pulang lupa ng clear na daan. Sinabihan ako ni Sir Enan na kumanan, without thinking sumunod ako. Dun ko naisip kung tama nga ba, kasi parang hindi namin inabot ung trail galing sa river. Keri lang, diretso. Tapos parang mejo natandaan ko na yung trail na to pababa. Lakad takbo na lahat, me hinahabol na oras at mejo padilim na rin. Nung nakita ko yung mejo patag na lugar, alam kong ito nga yung daan na tinahak ko nung last climb ko. Pagbaba, tindahan agad ang hanap ko. Pero nakita ko yung military, at kinausap ako. Sinabihan na dapat magregister, pero pinaliwanag kong galing na kami duon at pauwi na. Bumili sila ng RC Cola, at chichirea. Umorder kami ng isa pang RC. Si Sir Jep parang nagkasakit kasi hinahanap ang kabihasnan. Me kumuha ng tricycle para sa amin, at hinatid kami sa sakayan ng bus. Pagdating dun, kwentahan muna, bumili si Sir Jep ng icepops, at tumawag ang nagaalalang si Liz. After, tumawid kami at kumain sa lugawan, nagpalit ako ng shorts dahil butas na ito, at sumakay kami ng bus pauwi.
Lessons:
(1) Wag mawili sa night trek hehe. Dapat laging utilize ang daylight.
(2) Poor in direction daw ako. Dadala ako ng compass next time, at iimprove ko ang direction skills ko.
(3) Mahina ang people skills ko. Madaling mastress, at very evident. Try ko improve ito para sa next exploration climb ko.
(4) Pag hindi sigurado… maghire ng guide!!!
(5) Pag exploration climb, dapat malaki ang bag!
(6) Tent management
(7) Maganda sana kung me preclimb
(8) Hinay hinay lang. Yung original IT namin is sagaran climb, yung naging actual is very relax and petiks, dapat balance between the two.
(9) Wag iinum para hindi humina ang tuhod, lalo’t action packed ang last day!
(10) Wag buhusan ng kumukulong tubig ang bagong biling Deuter na hydration pack.
(11) Dapat puro de lata pag exploration climb, para madali. Hindi piknik ang mga ganitong climbs kya bawal ang luxury. Hehehe.
(12) And many more…
Overall: Hindi man namin naattain ang objective ng climb na ito, since magkakaiba kami ng purpose, at least marami kaming naging adventure at mga lessons na natutunan. Marami pang next time! :P

brunch of my specialty veggie kare kare with no peanut butter |

lookie at what jep made for me: coleslaw!!! |

so messy we are |

jep by the river |
Lessons:
(1) Wag mawili sa night trek hehe. Dapat laging utilize ang daylight.
(2) Poor in direction daw ako. Dadala ako ng compass next time, at iimprove ko ang direction skills ko.
(3) Mahina ang people skills ko. Madaling mastress, at very evident. Try ko improve ito para sa next exploration climb ko.
(4) Pag hindi sigurado… maghire ng guide!!!
(5) Pag exploration climb, dapat malaki ang bag!
(6) Tent management
(7) Maganda sana kung me preclimb
(8) Hinay hinay lang. Yung original IT namin is sagaran climb, yung naging actual is very relax and petiks, dapat balance between the two.
(9) Wag iinum para hindi humina ang tuhod, lalo’t action packed ang last day!
(10) Wag buhusan ng kumukulong tubig ang bagong biling Deuter na hydration pack.
(11) Dapat puro de lata pag exploration climb, para madali. Hindi piknik ang mga ganitong climbs kya bawal ang luxury. Hehehe.
(12) And many more…
Overall: Hindi man namin naattain ang objective ng climb na ito, since magkakaiba kami ng purpose, at least marami kaming naging adventure at mga lessons na natutunan. Marami pang next time! :P
this post is as raw as it can get, just copied and pasted my original field report from multiply.
ReplyDelete@ mam cory: article post on mt. balagbag to follow.
the river we explored is different from the river in Karahume... though i am not sure if they are connected with each other. this is located deeper in the Sierra Madre range.
ReplyDeletehi! nagpplano akong mag overnight camp sa mt.balagbag for my birthday celeb with my girlfriend. safe pa ba dito? kasi balita ko at ayon dito eh NPA infested area ito. so ayun, worried lang ako kasi 1st time kong mag hike. at may mga guide ba doon pag nagpunta kami? salamat ng sobra. here's my email so we can catch up with details. i really want to have a special day with my girlfriend. thanks
ReplyDeleteddanjarden@yahoo.com
fb accnt: ddanjarden@yahoo.com/ dan de guzman
hi sir, safe naman po dito kahit me NPA, pero i cannot assure you the safety of your climb. hindi na kelangan ng guide, for starters akyat kayo from Licao-licao jumpoff road trail. please refer to my exhaustive post about Mt. balagbag itinerary for guidance.
ReplyDeletehave a safe climb. =)
hello sir, gud pm.....i just want to buy an apexus tadpole tend. ok ba? di ba tayo maging basang sisiw kung uulan? salamat....
ReplyDeleteHi anonymous,
ReplyDeleteYes, tadpole tents are very effective againsts rough weather in comparison with dome types. Ang sikreto para hindi mabasa ng ulan ay nasa maayos na pagpipitch ng tent at ng flysheet. Kelangan banat na banat yung flysheet ng tadpole tent for effective repelling ng water. For added protection you can buy in-can waterproofing spray, Coleman daw meron. Saka ingat sa paglalaba para hindi matanggal yung original waterproofing, and lagi mong ichecheck ang condition ng seamtape.
wow, andami ko pong natutunan sa experience niyo, hehe alam ko na ang dapat gawin, ngayong nalalapit pa naman ang akyat namin sa Mount Balagbag.... :)
ReplyDelete